Umano’y special treatment kay Alice Guo, ikinadismaya ng ilang senador

 

Dismayado si Senator Sherwin Gatchalian sa mistulang special treatment kay dismissed Bamban Mayor Alice Guo ng mga opisyal ng gobyerno matapos itong sunduin mula sa Jakarta, Indonesia.

Ayon kay Gatchalian, overkill na ang naging trato ng ating mga awtoridad kay Guo na ikinuha pa ng chartered flight na pwede namang isinakay na lamang sa commercial flight.

Pero nilinaw naman ni Interior Secretary Benhur Abalos na walang ginastos ang pamahalaan sa chartered flight ni Guo at may kaibigang nagpahiram sa kanya ng eroplano para sa madaliang request.


Samantala, ikinalugod at pinasalamatan ni Gatchalian ang korte ng Capas, Tarlac sa pagpayag na dumalo sa imbestigasyon ng Senado sa Lunes si Alice Guo.

Inaasahang bubusisiin kay Guo ang mga tumulong sa kanya para maitayo ang POGO hub sa Bamban sa Tarlac at sa pagpuslit nito palabas ng Pilipinas.

Facebook Comments