Manila, Philippines – Paiimbestigahan na sa Kamara ang umano’yimpluwensya ng “business interests” sa pagbasura ng Commission on Appointments(CA) sa appointment ni gina lopez bilang kalihim ng department of environmentand natural resources (denr).
Ito’y kasunod ng alegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na angpagbasura sa appointment ni Lopez ay bunga ng pagkilos ng “lobby money” sa mgamiyembro ng C-A.
Ayon kay Magdalo Rep. Gary Alejano –maghahain siya ng resolusyonpara siyasatin ng Kamara ang alegasyon na binitawan ng punong ehikutibo.
Iginiit ni Alejano – dapat pagtuunan ni House Speaker PantaleonAlvarez ang ihahain niyang resolusyon dahil seryoso ang binitiwang alegasyon niPangulong Duterte.
Sinabi naman ni Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato, miyembrong C-A at isa sa mga bumoto ng “no” sa appointment ni Lopez – umapela na siyakay Senate President Koko Pimentel na siyang chairman ng CA na simulan na rinang imbestigasyon kaugnay sa nasabing usapin.
Nakakalungkot aniya na mismong kay Pangulong Duterte na mismonanggaling ang nasabing alegasyon.
Umano’y suhulan sa Commission on Appointments para sa hindi pagkumpirma ni Gina Lopez bilang DENR Secretary, pinaiimbestigahan
Facebook Comments