Umano’y sulat ni PMA Cadet 4th Class Mario Telan, bineberipika ng Baguio Police

Bineberipika ng mga imbestigador ng Baguio City Police ang umano’y sulat ni Philippine Military Academy (PMA) cadet 4th Class Mario Telan kung saan nakadetalye ang mga pang-aabusong naranasan niya sa akademiya.

Ayon kay Baguio City Chief Of Police, Col. Allen Rae Co, aalamin nila kung tunay ang nasabing sulat at kung galing ba talaga ito sa Kadete.

Maliban sa Civil Liability, tinitingnan na rin ang posibleng Criminal Liability ng dalawang Swimming Instructors na nagpabaya sa pagkalunod ni Telan.


Matatandaang nalunod sa Swimming Pool sa loob ng PMA si Telan noong November 8.

Facebook Comments