Totoong code name ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang ‘Superman’.
Kinumpirma ito sa ika-sampung pagdinig ng House Quad Committee ng dating bodyguard driver ni Duterte na si Sanson Buenaventura na isang retiradong pulis.
Pero giit ni Buenaventura na call sign lang sa radyo ni Duterte ang Superman at walang kinalaman sa Davao Death Squad (DDS) na narinig lang niya sa media.
Mariin ding itinanggi ni Buenaventura ang sinabi ni self-confessed DDS hitman na si Arturo Lascañas na sya ang nagbababa ng mga utos ni Duterte gaya ng mga papataying indibidwal.
Pinabulaanan din ni Buenaventura ang binanggit ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma na siya umano ang nagbibigay ng P20,000 reward sa mga station commander para sa mga napapatay na drug suspect.