Hinahamon ni National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. ang umano’y tagapagsalita ng CPP-NPA na si Marco Valbuena na lumantad upang pag-usapan ang alok na amnestiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga rebelde.
Ayon kay Torres, wala ng pinuno sa ngayon ang kilusan dahil sa pagkamatay ni Jose Maria Sison at pagkaka-nutralisa ng karamihan sa kanilang mga matataas na opisyal at tanging si Marco Valbuena na lamang ang nagsasalita para sa grupo.
Gayunman, sinabi ni Torres na bukas ang pamahalaan na pakinggan kung may makabuluhang maidadagdag si Valbuena sa isinusulong na Amnesty Proclamation, upang masiguro na walang pagkakamali ang ilalabas na proklamasyon.
Matatandaang si Valbuena ang naglabas ng statement na hindi tinatanggap ng kilusang komunista ang isinusulong na Amnesty Proclamation.