Umano’y tangkang P8-B firearms insertion sa DILG budget, iimbestigahan ng Kamara

Ikinakasa na ng House Committee on Public Order and Safety ang gagawing imbestigasyon ukol sa umano’y P8-B na tinangkang ipasok sa 2026 budget ng Department of the Interior and Local Government (DILG) pambili ng mga baril at mga bala para sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Committee Chairman at Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano, ang aksyon ng komite ay tugon sa pormal na kahilingan ni Manila 6th District Rep. Benny Abante na siyasatin ang nabanggit na usapin.

Tinukoy ni Abante ang kumakalat sa social media na liham kay DILG Secretary Jonvic Remulla mula sa PNP na humihirit ng P8 billion na insertion sa budget para sa pagbili ng 80,000 units ng standardized assault rifles.

Dinala umano ang sulat ng isang Adrian Sanares – na anak umano ni DILG Undersecretary for Peace and Order Nestor Sanares kay dating PNP Chief General Nicolas Torre III.

Pero hindi ito pinirmahan ni Torre na sya umanong dahilan ng pagsibak sa kanya sa pwesto.

Binigyang diin ni Rep. Abante na ang nabanggit na hakbang ay pagkalabag sa Procurement Law at Republic Act 6975 na basehan ng pagtatag sa Pambansang Pulisya.

Facebook Comments