UMANO’Y TANGKANG PAG-KIDNAP SA MGA BATA SA CALASIAO, PINABULAANAN NG PNP

Pinabulaanan ngayon ng Calasiao PNP ang nauna nang nag-trending sa social media na umano’y tangkang pagkidnap sa anim na mga kabataan sa bayan.
Sa inilabas na pahayag ni PNP Calasiao Chief of Police Lt. Col. Junemar Gonzales, agad silang nagsagawa ng imbestigasyon matapos ang nasabing social media post.
Ayon sa opisyal, sa pamamagitan ng CCTV footages ay natunton nila ang may ari ng sinasabing van maging ng driver nito at mga taong sangkot.

Ipinatawag ang mga ito at pinagharap-harap upang malaman kung ano ang totoong nangyari kung saan ay pinabulaanan ito ng driver ng van at sinabing napadaan lamang ito sa daan upang mag-deliver lamang at wala ng iba pa.
Nagpaalala naman ang awtoridad na maging responsible sa pag-popost sa social media lalo na at posible itong magdulot ng panik at takot sa publiko. |ifmnews
Facebook Comments