Umanoy uploader ng mga video na nagdadawit sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iligal na droga, hawak na ng NBI

Hawak na ng National Bureau of Investigation ang person of interest na nag-upload ng mga video na may titulong “Totoong Narcolist”.

Pero paglilinaw ni DOJ Office of the Cybercrime OIC Atty. Charito Zamora, ang naaresto ay “Uploader” lang ng mga video  at hindi mismo ang sinasabing si alyas “Bikoy”.

Hindi naman pinangalanan ng DOJ at wala ring ibinigay na detalye kaugnay sa dinakip na uploader dahil sa isinasagwang on going operation.


Batay sa serye ng video ni alyas Bikoy na may pamagat na “Totoong Narcolist”,  idinadawit ang mga kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte at ilang kaalyado ng first family na miyembro umano ng tinaguriang “Davao Group” na sangkot umano sa illegal drug trade.

Facebook Comments