Umapaw na creek sa Tondo, Maynila kahapon – pinakalkal ng MMDA

Manila, Philippines – Tinatrabaho ngayon ng Flood Control team ng MMDA Maypajo Creek sa Maynila matapos itong umapaw kahapon sa kasagsagan ng malakas na ulan.

Ang pag-apaw ng naturang creek ay nagdulot ng pagbaha sa R. Papa at Rizal Ave. sa Maynila.

Samantala, nagsasagawa rin ang MMDA ng mas malalim na dredging sa Estero de San Lazaro outlet ng Fugoso Drainage Main sa Sta Cruz, Manila.


Patuloy din ang Declogging ng ahensya sa Rizal Ave Ext. Cor. Alvarez St. Sta. Cruz, Manila gayundin sa drainage laterals sa Taft Ave. South Bound sa harap ng PGH o Philippine General Hospital.

Samantala, bukas na rin sa mga sasakyan ang Roxas Blvd. Service Road sa harap ng US Embassy matapos magsagawa ng clearing operation ang MMDA.

Facebook Comments