Manila, Philippines – Umapela si Senadora Nancy Binay sa Malacañang na umaksyon na sa banggaan ng National Food Authority at ng NFA council na governing body ng NFA at binubuo ng iba’t-ibang ahensya.
Ayon kay Binay, isang taon na ang bangayan ng mga ito kaya at apektado na rin ang presyo at supply ng bigas sa bansa.
Sa pagdinig ng Karama, sinabi ni NFA Deputy Administrator Tomas Escarez na natagalan sila sa pag-aangkat ng bigas dahil hindi sila agad binigyan ng permiso ng NFA council.
Aniya, October 2017 pa sila humingi ng permiso para makapag-angkat ng isang milyong metrikong toneladang bigas para maging dagdag sa imbak ng NFA pero nitong May 2018 lang inaprubahan.
Sabi naman ni Trade Undersecretary Ruth Castello, na miyembro ng council na natagalan ang kanilang desisyon dahil hindi agad ibinigay ng NFA ang kanilang imbentaryo ng supply ng bigas.
Nagtaas rin aniya ang presyo ng bigas dahil inanunsyo ng NFA na kapos na ang supply.