UMAPELA | CPP-NPA-NDF dapat magtiwala kay PRRD – Palasyo

Manila, Philippines – Umapela ang Palasyo ng Malacañang sa Communist Party of the Philippines, New Peoples Army, National Democratic Front o CPP-NPA-NDF na pagkatiwalaan si Pangulong Rodrigo Duterte para umusad na ang usapang pangkapayapaan.

Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, kahit noong mayor pa lamang si Pangulong Duterte ay ipinakita na nito ang kanyang sinseridad sa pagkikipagkasundo sa mga rebelde.

Patunay aniya nito ay ang madalas na pagdalaw ng Pangulo sa kampo ng mga rebelde kahit alam biya na delikado para sa kanyang buhay.


Ngayong napirmahan na aniya ang Bangsamoro Organi Law (BOL) ay inaasahan aniya na isusunod na ng Pamahalaan ang pakikipag-usap sa mga rebelde kaya naman mahalagang magtiwala ang mga ito kay Pangulong Duterte tulad ng kanilang pagtitiwala noong mayor palaman ang Pangulo.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay inatasan ni Pangulong Duterte si Go na pumunta sa kampo ng NPA sa North Cotabato para sunduin ang kanilang bihag na pulis na dinukot noon pang Disyembre ng 2017 at maaya namang nai-turnover sa mga pulis at naibalik na in sa kanyang pamilya.

Facebook Comments