UMAPELA | Dagdag pasahe sa jeep, huwag munang ipatupad – LTFRB

Manila, Philippines – Umapela ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa mga jeepney driver na huwag munang maningil ng dagdag-pasahe sa kanilang mga pasahero.

Ito ay kasunod ng nag-leak na dokumento may dagdag na dalawang piso (P2.00) sa pasahe sa Public Utility Jeepneys o PUJs.

Sa statement ng LTFRB, hiniling nito sa mga driver na hintayin ang ahensya na maglabas ng opisyal na dokumento sa fare increase bago maningil ng karagdagang pasahe.


Ayon sa ahensya, ikinalulungkot nila ang pagsasapubliko ng desisyon ng lupon, bago pa ito masertipikahang opisyal.

Ang official document anila ay ilalabas ng LTFRB kapag napirmahan na ito ng LTFRB executive director at naka-docket na.

Maliban rito, hiniling rin ng LTFRB sa media na kung maglalabas ng balita ay tiyakin na manggagaling ang official information sa LTFRB chairman o sa official communications platforms ng ahensya para maiwasan ang pagkalito.

Facebook Comments