UMAPELA | Deklarasyon ng Korte Suprema sa K-12 program bilang constitutional, ini-apela ng petitioners

Manila, Philippines – Umapela sa Korte Suprema ang grupong Council of Teachers and Staff of Universities and Colleges in the Philippines o (COTESCUP) na bawiin ang naging desisyon nito na nagdedeklara na constitutional ang K-12 program at ang pagaalis sa panitikan bilang core courses sa college curriculum.

Sa labing siyam na pahinang motion for reconsideration ng grupo, hiniling nito sa supreme court na ideklarang unconstitutional ang CHED memorandums circular 20-2013, kasabay ng kahilingan na magpalabas ng temporary restraining order pabor sa petitioners.

Matatandaang March 2015 nang maghain ng petisyon sa kataas-taasang hukuman ang petitioners para hilingin na suspendihin ang implementasyon ng k-12 program.


Kabilang sa petitioners ang Coalition for the Suspension of K-12, suspend K-12 alliance, at the Council of Teachers and Staff of Universities and Colleges in the Philippines (cotescup).

Sa kanilang petition for certiorari, tinukoy na respondents ang Department of Education (DepEd), Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ang Commission on Higher Education (CHED).

Iginiit ng petitioners na hindi napapanahon ang pagpapatupad ng K-12 program dahil hindi pa raw handa ang bansa lalo nat kulang sa mga guro, textbooks at pasilidad.

Nababahala rin sila na mawalan ng trabaho ang 80 thousand na teaching at non-teaching personnel sa mga kolehiyo at unibersidad.

taong 2016 nang simulang ipatupad ng gobyerno ang programa kung saan nadagdagan ng dalawang taon ang high school.

Facebook Comments