UMAPELA | DepEd, iginiit na labag sa batas ang panukalang mandatory drug test sa mga grade 4

Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Education (DepEd) na labag sa batas ang panukala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mandatory testing sa mga grade 4 students pataas.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, alinsunod sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang sakop lamang ng random drug testing ay mga nasa secondary at college students.

Sabi pa ng kalihim, maaring maging bangungot ang panukalang ito ng PDEA dahil 14 na milyong estudyante mula grade 4 hanggang 12 ang pinag-uusapan dito.


Iminungkahi naman ni Briones sa PDEA na hintayin na muna ang resulta nang isinasagawa nilang drug testing sa lahat ng kanilang mga regional offices at random drug testing sa mga kabataan, bago gumawa ng panibagong panukala.

Facebook Comments