UMAPELA | Deportation order laban kay Sister Patricia Fox, dapat ikunsidera – CHR

Manila, Philippines – Hinimok ng Commission on Human Rights (CHR) ang Bureau of Immigration na muling ikunsidera ang desisyon na palayasin sang Australian missionary na si Sister Patricia Fox.

Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline de Guia – hindi kasalanan ang gumawa ng humanitarian work bilang bahagi ng religious mission para sa mahihirap na komunidad.

Aniya, ang ginawa kay Fox ay banta sa mga dayuhang human rights workers na nagtatrabaho sa bansa.


Dapat aniyang mamayani ang prinsipyo ng karapatang pantao sa paghihiwalay ng humanitarian work at political acitivities.

Facebook Comments