UMAPELA | DFA, dumulog na sa UN hinggil sa mga insidente ng pang-aabuso sa mga OFW

Manila, Philippines – Dumulog na sa Global Compact for Migration Negotiations sa United Nation headquarters sa New York ang Department of Foreign Affairs hinggil sa mga insidente ng pang-aabuso sa mga Pinoy workers.

Inapela ni DFA Usec. Sarah Lou Arriola na dapat maproteksyunan ang kapakanan ng mga migrante at isulong ang kanilang karapatang pantao.

Iginiit rin ni Arriola, na pagtuunan ng pansin ang kapakanan ng mga domestic worker lalo na ang mga kababaihan, mga bata at iba pang grupo na madalas na naaabuso.


Kumikilos na rin aniya ang mga embahada ng Pilipinas sa iba’t ibang bahagi ng mundo para siguraduhin ang kapakanan ng mga Pinoy worker.

Facebook Comments