UMAPELA | Dimple Star Bus Transport, pinapawalang bisa sa LTFRB ang kanilang suspension order

Manila, Philippines – Umapela ang Dimple Star Transport Company sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na alisin na ang kanilang suspension order.

Ito ay matapos masangkot nitong Marso ang isang Dimple Star Bus sa isang aksidente sa Occidental Mindoro kung saan 19 na tao ang namatay.

Ayon kay Dimple Star Legal Counsel Cesar Cainglet, ang nasa 118 units ng Dimple Star ay mayroong dalawang magkaibang owners o franchise.


Ang isa ay kay Hilbert Napat, na siyang nagmamay-ari ng naaksidenteng bus habang ang iba ay pagmamay-ari pa rin ng kumpanya ng Dimple Star.

Sinabi naman ni LTFRB Board Member, Atty. Aileen Lizada, submitted for resolution na ang kaso matapos nilang matanggap ang position paper ng bus company.

Facebook Comments