Manila, Philippines – Pormal nang inihain ng DOLE ang Motion for Reconsideration (MR) nito sa naging desisyon ng Court of Appeals (CA) sa kaso ng mga sinibak na contractual employees ng PLDT.
Pirmado ni Solicitor General Jose Calida ang mosyon bilang kinatawan ng DOLE na humihiling na bawiin ng appellate court ang desisyon noong July 31.
Hiling ng DOLE sa pamamagitan ng OSG na ipatupad nang buo ang regularization order ng kagawaran para sa mga apektadong empleyado ng PLDT.
Batay sa naunang desisyon ng CA, mga empleyado na direktang may kinalaman sa operasyon ng PLDT kasama ang nagma-mantine ng mga linya nito ang maaaring mai-regular.
Pero ang mga nasa call center ng PLDT, mga janitor, clerk at iba pang tauhan ng contractor ng kumpanya ay hindi maaaring makinabang sa regularization order ng DOLE.