Manila, Philippines – Umapela ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na huwag mamigay ng mga gamit na damit bilang donasyon sa mga pamilyang sinalanta ng kalamidad.
Ipinaliwanag ni DSWD Secretary Virginia Orogo na magpapababa sa dignidad ng mga disaster survivors at makokompromiso pa ang kanilang kalusugan lalo pa at ang mga used clothing’s na ibinibigay ay hindi na angkop para gamitin.
Kasunod ito ng ulat na may mga donasyon ng used clothes para sa mga pamilyang biktima ng landslide sa Naga City ang halos hindi na maaaring gamitin.
Isa pa sa mga dahilan ay ang pagiging limitado ng oras ng mga tauhan ng DSWD para paghiwa-hiwalayin ang mga used clothing’s na pwede at hindi na puwedeng gamitin.
Humihingi na ng pang-unawa si Secretary Orogo sa mga donors.
Aniya mas mahalaga para sa mga evacuees ang mga donasyon tulad ng hygiene kit, mga gatas, school supplies, kumot, banig at unan, diapers ng bata, mga bagong sets ng damit at adult undergarments, eco-bags at malalaking plastic boxes .