Manila, Philippines – Umapela ang EcoWaste Coalition sa publiko na ipagbawal na ang paggamit ng mga plastik upang maiwasan na marami ang mga pagbaha sa maraming lugar sa Maynila.
Idinaan sa pagsayaw ang kanilang panawagan sa publiko na i-ban na ang paggamit ng plastik sa bansa para makatulong sa kalikasan.
Ayon kay EcoWaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero napakaseryosong usapin aniya ang paggamit ng plastik mula sa mga shopping bag hanggang sa drinking straw na kadalasang ginagamit ng mamamayan.
Paliwanag ni Lucero namamatay na ang mga isda sa karagatan dahil sa paggamit ng plastik sa buong mundo kung saan kabilang ang Pilipinas na Top 10 sa Asya na pinakamaraming bansa na gumagamit ng plastik.
Giit ng grupo dapat aksyunan na ng mga mambabatas ang naturang usapin upang bumalangkas ng batas na tuluyan ng ipagbabawal ang paggamit ng plastik sa mga department store sa buong bansa.