UMAPELA | ‘Faceless’ na pera, huwag nang i-post sa social media – BSP

Manila, Philippines – Umapela ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na huwag nang i-post sa social media ang mga ‘faceless’ banknotes.

Matatandaang nag-viral ang 100 peso bills na walang mukha ni dating pangulong Manuel Roxas, 500 peso bill na walang naka-imprentang mukha ng mag-asawang Ninoy at dating pangulong Cory Aquino.

Kamakailan, ay ang 50 pesos na walang mukha ni dating pangulong Sergio Osmeña at isa pang 50 peso bill na blangko ang likuran nito.


Ayon sa BSP – ang mga may hawak ng “faceless bills” ay maaaring tumawag sa mga tanggapan ng bsp para agad itong mapalitan.

Sa ngayon, nakalimbag na sila ng 33 banknotes na walang mukha.

Facebook Comments