Manila, Philippines – Mahigit kumulang sa isang libong miyembro ng grupong Angkas ang sumugod sa tanggapan ng *Land Transportation Franchising And Regulatory Board* (LTFRB) para hilingin na ideklarang legal ang kanilang operasyon.
Ang Angkas ay isang uri ng Transport Network Vehicle Services (TNVS) pero motorsiklo ang gamit.
Ayon kay Conrado Ganata, nagutom ang kaniyang pamilya mula nang tumigil siyang mamasada.
Ayon naman kay Atty. Ailen Lizada, spokesperson ng LTFRB, may dialogue mamaya sa pagitan ng mga lider ng Angkas at mga miyembro ng kongreso.
Ipaliliwanag mamaya kung bakit pinatigil ang kanilang operasyon.
Facebook Comments