Manila, Philippines – Umapela sa gobyerno si LTOP National President Orlando Marquez upang magkaroon ng sariling pondo ang Public Utility Vehicles (PUV) para mapabilis ang Public Transportation Modernization Program.
Ayon kay Marquez mahalaga ang Public Modernization Program dahil ang pinaglilingkuran umano nila ay trabahador na tunay na bumubuhay sa ekonomoiya ng Pilipinas.
Paliwanag ni Marquez bakit umano napopondohan at naipasa na batas ang Cash Transfer Program ng gobyerno pero ipinagtataka nito kung bakit mailap ang gobyerno para pondohan ang PUV na nagbabayad naman aniya ng napakalaking buwis sa pamahalaan.
Giit ni Marquez gaganda at magagaya ng Pilipinas ang Singapore kapag pinondohan ng gobyerno ang PUV dahil sa mga mauunlad na bansa ay mayroon silang tinatawag na Public Transport Consumers Tax na doon kukunin ang pondo ng Transport Modernization Program.