Manila, Philippines – Umaasa ang isang consumer group na mapagtutuunan ng pansin ang kalagayan ng mga power consumers sa pagbabago sa pamunuan ng kataas taasang hukuman.
Nais ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) na aksyunan ng Supreme Court (SC) ang pagsilip sa implementasyon ng tinatawag na competitive selection process ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Ito ang polisiya na nagmamandato sa lahat distribution utilities at electric cooperatives na isailalim lamang sa bidding sa halip na bilateral contracts para sa kanilang power requirements.
Ayon kay UFCC President Rodolfo Javellana, dehado rito ang mga consumers dahil patuloy na magmamahal singilin sa kuryente.
Inihalimbawa ni Javellana ang 2013 na singilin ng Meralco na pumalo sa P4.15 per kwh noong Disyembre.
At tumaas na naman ng P5.30 per kwh noong January 2014 .
Aniya, dapat ay pakinggan ng mataas na korte ang hinaing ng taumbayan sa halip na ingay na nililikha tungkol kay Sereno.