UMAPELA | Isang Jeepney group, iginiit na aprubahan na ang 10 pesos na pamasahe sa gitna ng one time big time oil price increase

Manila, Philippines – Umapela ang Jeepney group na PASANG MASDA sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na naaprubahan na ang P10.00 pamasahe sa harap ng one time big time na oil price increase.

Ayon kay Roberto Martin, national president ng jeepney group, ang P44.00 per liter ng diesel ay hindi na angkop sa pamasahe ngayon na P8.00 sa 1st 4 kilometer.

Mas mataas pa anya ang presyo ng diesel sa mga probinsiya kaya talagang dapat ng ibigay ng LTFRB ang increase na P10.00


Aniya, bukod sa diesel at gasolina, apektado rin ang mga operator at driver sa walang habas na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, spare parts upa sa bahay, tubig at kuryente, sobrang traffic at iba pa.

Itinakda ng LTFRB sa May 31, 2018 ang pagdinig sa P10 petition of fare hike.

Facebook Comments