UMAPELA | Labintatlong Taiwanese organizations, kinondena ang terror listing sa ilang human rights defenders sa bansa

Manila, Philippines – Labintatlong Taiwanese organizations ang nagpahayag ng pagkondena sa pagkakalagay sa terrorist list ng Pilipinas ng ilang human rights defenders.

Sa kalatas na ipinalabas ng Taiwan Association for Human Rights, nakibahagi rin ang Taiwan Committee for Philippine Concerns sa isang pagkilos na isinagawa kaninang umaga sa harap ng Manila Economic and Cultural Office sa Taipei .

Umapela ang mga immigrants at mga indigenous peoples advocate sa Duterte Administration na alisin sa listahan ng Department of Justice (DOJ) ang may 600 na indibidwal na binansagang terorista.


Hinimok din nila ang gobyerno ipawalang bisa ang Human Security Act at abandonahon ang anti-insurgency campaign nito.

Isinusulong din ng grupo na muling ituloy ang pag uusap pangkapayapaan ng gobyerno sa CPP-NPA-NDF.

Hinamon din nila si Pangulong Duterte na magpasailalim sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa mga kaso ng pagpatay sa war on drugs ng gobyerno.

Facebook Comments