Manila, Philippines – Kinalampag ni Senator Sonny Angara ang Department of Information and Communications Technology o DICT upang madaliin ang pagkakabit ng libreng wifi sa buong bansa lalo na sa state colleges and universities o SUCs.
Dismayado si Angara dahil sa ilalim ng proyektong ‘pipol konek’, ng DICT ay dalawa pa lamang sa 112 SUCs ang nalalagyan ng libreng wifi na kinabibilangan ng Aklan State University at Caraga State University.
Ipinunto ni Angara, bilang vice chairman ng finance committee, na ipinaglaban niya ang kaukulang budget para sa DICT ngayong taon sa pag-asang agad na mapopondohan ang instalasyon ng libreng wifi sa lahat ng SUCs sa buong bansa pero hindi ito natupad.
Ngayong taon ay P1.7 billion ang inilaan sa Pipol Konek! Free WiFi project ng DICT kung saan P327 million dito ang para sa libreng internet ng SUCs at P1.36 billion naman para sa free WiFi sa mga pampublikong lugar.
Bunsod nito ay pagpapaliwanagin ni Senator Angara si DICT acting Secretary Eliseo Rio sa gagawing pagdinig ng Senado ukol sa budget ng DICT.