UMAPELA | Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, nanawagan sa publiko na huwag magpaapekto sa mga nanggugulo sa pananampalataya

Manila, Philippines – Nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa publiko na manatiling mahinahon at huwag magpa-apekto sa mga gumugulo ngayon sa pananampalataya.

Ito ang tugon ni Tagle kasunod ng banat ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa Diyos.

Ayon kay Tagle, hindi na bago ang mga pagkuwesyon sa Diyos gayundin sa mga doktrina ng simbahan na naging sentro na ng mga pag-aaral at pagninilay ng mga eksperto sa simbahan.


Sa halip gumanti ng hindi tama sa mga naging pahayag ng Pangulo, hinimok ni Tagle ang lahat na maglatag ng mga solusyon at mahinahong tugon sa naturang usapin.

Kasalukuyang nasa Switzerland si Cardinal Tagle para dumalo sa United Nations Conference on Migrants and Refugees na inorganisa ni Pope Francis, Caritas Internationalis, World Council of Churches at iba pang mga grupo.

Facebook Comments