UMAPELA | Mark Herras, aminadong affected si Wynwyn Marquez ng muling pagkalat ng kanyang video scandal

Manila, Philippines – Umapela si Mark Herras sa publiko na huwag nang idamay ag girlfriend niyang si Wynwyn Marquez sa muling pagkalat sa social media ng kanyang video scandal na unang lumabas 12 years ago.

Say ng aktor, clueless pa rin siya sa motibo ng nag-upload ng video sa internet.

Aniya, matagal na siyang naka-move on sa kinasangkutang eskandalo at ang inaalala niya lang ngayon ay ang kanyang girlfriend na kasalukuyang nasa Las Vegas, Nevada.


Aminado si Mark na naapektuhan si Wynwyn kaya ang promise niya, gagawin daw niya ang lahat para di madamay ang beauty queen actress.

Dagdag pa ni Mark, masyadong mababaw ang dahilan ng sinumang nag-upload ng video kung ang gusto lang nito ay masira ang relasyon nila ni Wynwyn.

Facebook Comments