UMAPELA | Mga economic managers, umapela sa pagbagsak ng ranking ng bansa sa pagnenegosyo

46

Manila, Philippines – Umapela ang mga economic managers ni Pangulong Duterte sa World Bank kaugnay sa pagbagsak ng ranking ng Pilipinas sa pagnenegosyo.

Sa latest ranking ng Ease of Doing Business ng WB, lumagapak sa 124th place ang Pilipinas mula sa 113th noong nakaraang taon.

Nais ipatama ng mga economic managers ni Pangulong Duterte ang nasabing ranking ng bansa kaya sumulat ang mga ito sa WB.

Giit ng mga economic managers, ‘grossly inaccurate’ ang mga inilabas na data ng WB kaugnay sa pagbubukas ng negosyo sa bansa.

Samantala, naniniwala naman ang Philippine Chamber of Commerce and Industry na walang sapat na basehan ang World Bank sa pagbagsak ng ranking ng Pilipinas sa larangan ng pagnenegosyo.

Ayon kay George Barcelon, PCCI chairman, ikinagulat ng maraming negosyante at investors sa bansa ang lumabas na resulta ng ranking.

Inaasahan umano nila ang pag-angat ng rank ng bansa sa ease of doing business bunsod na rin ng mga repormang inilalatag ng pamahalaan.

Mas maganda naman aniya ang ipinapakita ng bansa pagdating sa pagnenegosyo sa ilalim ng Duterte Administration kumpara sa mga nagdaang gobyerno.

Facebook Comments