UMAPELA | Pagpapaigting ng crackdown laban sa mga illegal na small scale mining sa bansa, pinanawagan

Manila, Philippines – Umapela ang Chamber of Mines sa pamahalaan na paigtingin ang crackdown laban sa mga illegal small-scale mining activities.

Kasunod ito ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara na ang lahat ng minahan dahil sa nangyaring trahedya sa Itogon, Benguet.

Sa interview ng RMN Manila kay Rocky Dimaculangan, vice president for communications ng Chamber of Mines – aniya, hindi dapat isisi sa pagmimina ang nangyaring landslide sa isang abandonadong minahan sa Itogon.


Bago pa man nanalasa ang bagyong Ompong sa Cordillera Region ay ilang araw nang nag-u-u-ulan sa lugar.

Paglilinaw pa ni Dimaculangan, hindi sila kontra sa small-scale mining pero may ilan kasi na hindi nagsasagawa ng safety practices.

Facebook Comments