Manila, Philippines – Umapela si Presidential Political Adviser at Typhoon Ompong Point Person Francis Tolentino na ipasa na ang National Land Use Act matapos ang nangyaring landslide sa Itogon, Benguet at Naga City Cebu.
Ayon kay Tolentino, dapat maging saklaw ng national land use plan ang mining areas maging ang lahat ng small-scale dahil sa sunud-sunod na landslide.
Aniya, matagal nang nakabinbin sa Kongreso ang nasabing panukala kaya dapat na itong maaprubahan.
Layon ng National Land Use Act, na iniakda ni Senador Loren Legarda na bumuo ng comprehensive framework para ma-institutionalize ang land allocation priorities at paggamit sa lupa.
Iminungkahi rin ni Tolentino na isailalim sa complete rehabilitation ang bayan ng Itogon para maisaayos ang mga butas, tunnel, at iba pang makakatulong para mas maging ligtas tirahan ang lugar.