UMAPELA | Pamunuan ng MIAA may pakiusap sa mga bagong promote nilang tauhan

Manila, Philippines – Umapela ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga bagong promoted airport police officers na ipagpatuloy at ayusin ng mabuti ang pagpapatupad ng batas at mga panuntunan sa mga paliparan.

Ang apela ay ginawa ni MIAA General Manager Ed Monreal sa ginanap na donning of ranks ng may apat na pung newly promoted airport police officers, ang 40 ay promoted o itinaas ang ranggo bilang airport police inspector.

Hinimok ni Monreal, ang mga bagong promote na na opisyal na magtulungan upang lalong ikalugod ng mga pasahero at iba pang stakeholders ang isang tunay, tapat at makabayang serbisyo publiko at sa ganitong pamamaaan ay mabubura na ang masamang imahe ng ating paliparan.


Ang mga bagong airport police officer ay pinili base sa kanilang educational attainment, length of service, relevant experience, training at performance.

Facebook Comments