Manila, Philippines – Umapela si Bagong Henerasyon Representative Bernadette Herrera-Dy sa dalawang kapulungan ng Kongreso na agad aprubahan ang panukalang magtatakda ng curfew sa mga menor de edad bilang suporta sa Anti-Tambay Policy ni Pangulong Duterte.
Sa House Bill 7513 o Unsafe Hours for Children Act, pagbabawalan na ang paglabas ng bahay ng mga nasa edad labing walo pababa mula alas diyes ng gabi hanggang alas singko ng madaling araw.
Isinunod naman ang panukalang ito sa ordinansa sa Quezon City na idineklarang constitutional ng Korte Suprema.
Samantala, hinimok naman ni Herrera-Dy ang mga otoridad na maglatag ng malinaw na protocol sa pagpapatupad ng anti-tambay policy ng gobyerno.
Ito ay para maging malinaw ang basehan ng pag-aresto at malinaw sa publiko kung naaabuso na ang kanilang mga karapatan.