UMAPELA | PAO, nanawagan na huwag ihalo sa mga may mabibigat na kaso ang mga nahuhuling tambay

Manila, Philippines – Umapela ngayon ang Public Attorney’s Office (PAO) na huwag isama o ibilang ang mga nahuhuling tambay sa mga naarestong may mabigat na kaso.

Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, magaan lang naman ang karaniwang kasalanan ng mga nahuhuling tambay kaya at nararapat lamang na ihiwalay sila sa mga kriminal na may malalaking kasong kinakaharap.

Hindi naman tutol si Acosta na parusahan ang mga may kasalanang tambay pero kailangan matiyak na sumusunod ito sa batas at hindi na maulit ang sinapit ni Genesis “Tisoy” Argoncillo na namatay sa loob ng kulungan.


Sinabi pa ni Acosta na nakahanda silang bigyan ng sapat na legal assistance ang pamilya Argoncillo at kung kailangan ng re-autopsy, may mga tauhan naman sila na susuri sa labi ng biktima.

Facebook Comments