Manila, Philippines – Umapela sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na napapanahon ng ibalik sa dating 8 pesos ang pamasahe sa pampasaherong jeep.
Ayon kay United Filipino Consumers and Commuters President Rodolfo RJ Javellana Jr., noon pa umanong huling Lunes ay nag-file ang UFCC sa LTFRB ng rollback sa pasahe na ibalik sa P8 minimun ang pamasahe sa jeep.
Paliwanag ni Javellana nararapat lamang na ibalik ang pamasahe sa 8 pesos dahil noong pang Mayo 2008 ang halaga ng diesel ay P46.50 at ang halaga ng pasahe ay P8. Kaya nakapagtataka umano kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa kumikilos ang LTFRB sa naturang usapin.
Dagdag pa ni Javellana, 5 linggo na umano ay sunod-sunod na bumababa ang presyo ng Diesel na ngayon ay umaabot sa mahigit P44 bawat litro ang Diesel sa kasalukuyan.
Inaasahan aniya na sa susunod na linggo batay na rin sa projections ay magbabawas pa ng minimum na P.70 sa susunod na linggo.
Matatandaan na nag-anunsyo na rin ang pamahalaan na tatanggalin ang excise tax sa petrolyo ng dalawang piso.
Giit pa ni Javellana na mismong si DOTr Secretary Arthur Tugade ay nanawagan na irekosidera ang pag-rollback o pag-aralan muli ng LTFRB dahil lahat naman ng indikasyon ay nandiyan na kaya at dapat umanong umaksyon ang naturang ahensiya.