UMAPELA | PNP, umaapela ng tulong para maresolba ang kaso ng sunod-sunod na pagpatay sa mga local officials

Manila, Philippines – Umaapela ng tulong ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko para maresolba ang sunod-sunod na pagpatay sa mga local officials.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde nanawagan siya ng tulong sa mga may impormasyon kaugnay sa naganap na mga krimen na makipagtulungan sa imbestigasyon upang mabigyan na hustisya ang pagkamatay ng mga nasawing local officials.

Sa ngayon mahigpit na utos na rin ni Albayalde sa mga binuong special investigation task groups na magpursige sa imbestigasyon upang may matukoy ng suspek sa mga pagpatay at mapanagot.


Nitong nakalipas na araw ng Sabado, huling nasawi sa pamamaril ang bise alkalde ng Trece Martires Cavite na si Vice Mayor Alexander Lubigan at bodyguard nitong si Romulo Guillerme.
July 3 naman pinagbabaril rin sa Cabanatuan City Nueva Ecija si General Tinio Mayor Ferdinand Bote.

July 2 pinagbabaril at namatay rin si Tanauan City Batanggas Mayor Antonio Halili habang dumadalo sa flag raising ceremony.

Sa ngayon wala pang natutukoy at naarestong suspek ang PNP sa pagpatay sa mga local officials na ito.

Facebook Comments