Manila, Philippines – Umapela si Special Assistant to the President Secretary Bong Go sa publiko na suportahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa panawagan nito sa Kongreso na magkaroon ng batas na magbibigay tuldok sa ENDO o End of contract.
Ayon kay Go, hindi natatapos ang issue sa paglagda ni Pangulong Duterte ng Executive Order (EO) number 51 laban sa ENDO dahil mayroon itong mga limitasyon ay ang tunay na solusyon sa problema ay ang pag-amyenda sa umiiral na Labor Code.
Sinabi ni Go na sa pag-amyenda sa batas ay matitiyak ang security of tenure ng mga mangagawa at matiyak na papangalagaan ang karapatan ng mga ito sa paggawa.
Matatandaan na inamin din mismo ni Pangulong Duterte na mayroong hangganan ang kanyang kapangyarihan at irerekomenda aniya niya sa Kongreso ang pag-amiyenda sa Labor Code.