Umapela ang Palasyo ng Malacañang sa publiko na huwag magpakalat at maniwala sa mga espekulasyon kaugnay sa pagsabog sa Lamitan City Basilan kamakailan na ikinamatay ng 10 tao.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mas magandang hintayin nalang ang resulta ng ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente bago maglabas ng anomang espekulasyon.
Paliwanag ni Roque, hindi naman makabubuti kung magpapakalat ang sinomang ng mga impormasyong hindi naman berepikado at baka imbes na makatulong ay maging negatibo pa ang epekto nito.
Sa ngayon aniya ay wala pang kongklusyon ang otoridad sa nangyaring pagsabog kung saan ayon sa Militar ay wala pang indikasyon silang nakikita kung ISIS ang may gawa ng pagsabog sa pamamagitan ng suicide bomber.
Wala parin namang pagkakakilanlan ang driver ng sumabog na Van kaya kailangang magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon sa insidente.