UMAPELA | Sec. Cayetano, handang makipagdebate kay dating PNoy kaugnay ng isyu sa West PH Sea

Manila, Philippines – Umapela si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano kay dating Pangulong Noynoy Aquino na makiisa sa makabuluhang diskurso tungkol sa sigalot ng Pilipinas sa China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Cayetano, wala siyang intensyong bastusin si Aquino na idaan sa open letter ang pagbatikos sa nakaraang administrasyon kaugnay ng ‘di mapigilang militarisasyon ng China sa pinagtatalunang teritoryo.

Handa rin ang kalihim na makipag-debate kay Aquino kaugnay ng isyu lalo at kung makakatulong ito para maresolba ang agawan ng dalawang bansa.


Sinabi pa ni Cayetano, kinikilala naman nila ang mga nagawa ng nakaraang administrasyon na pabor sa Pilipinas pagdating sa agawan ng teritoryo.

Kinumpirma ni Cayetano na aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mungkahi niyang bumuo ng expert group na tututok sa posibleng joint exploration ng Pilipina at China sa West Philippines Sea.

Facebook Comments