UMAPELA | Sister Fox, may hamon kay Pangulong Duterte sa isinumite niyang memorandum sa BI

Manila, Philippines – Umapela si Sister Patricia Fox kay Pangulong Rodrigo Duterte na payagang makalabas na ng bansa ang tatlong misyonerong Methodist na patuloy na pinipigil ng gobyerno.

Sa isang statement, sinabi ni Sister Fox na kakikitaan ng sinseridad si Pangulong Duterte kung pahintulutan nang makalabas ng bansa sina Zimbabwe national Chandiwana Tawanda, American Adam Thomas Shaw at Malawi citizen, Miracle Oswan.

Ang tatlong mga misyonero ng United Methodist Church ay pinigil ng mga otoridad matapos na makilahok sa International Solidarity Mission sa Mindanao noong Pebrero.


Ang naturang apela ay nakapaloob sa isinumiteng memorandum ni Fox sa Board of Special Inquiry ng Bureau of Immigration (BI).

Una nang sinabi ng Department of Justice (DOJ) na ang BI ay walang kapangyarihan na ipawalang bisa ang missionary visa ni Fox sa halip ay ipinabalik ito para sa muling pagsusuri .

Isang dayalogo ang itinakda sa pagitan ni Pangulong Duterte at ng ibat-ibang church groups at ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kasunod ng mga reaksyon sa kontrobersyal na God is stupid na pahayag ng Pangulo.

Facebook Comments