Manila, Philippimes – Nanawagan ang Australian Missionary na si Patricia Fox kay Pangulong Rodrigo Duterte na pakinggan ang mga biktima ng Human Rights.
Si Fox ay bahagi ng isang International Fact Finding and Solidarity Mission na tinitingnan ang mga isyu ng pag-abuso sa karapatan ng mga lumad at magsasaka sa Mindanao.
Ayon kay Fox – umaapela siya sa pangulo na makinig sa mga kwento at istorya ng mga biktima at pamilya nito upang maantig ang kanyang puso.
Hindi rin sila magpapakampante kahit pinalawig ng Department of Justice (DOJ) ang kanyang pananatili sa bansa.
Umaasa si Fox na masusunod ang Due Process sa kanyang apela at uubusin ang lahat ng legal na remedyo para maibalik ang kanyang Missionary Visa.
Facebook Comments