Manila, Philippines – Umapela si Senator Bam Aquino sa mga kapwa niya senador na muling suriin ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Sa inihain niyang senate resolution no. 704, nais ni Aquino na magsagawa ng pagdinig ang senado sa epekto ng TRAIN law sa mamamayan at sa ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Aquino, nais niyang malaman ang epekto ng karagdagang excise tax sa mga produktong-petrolyo na umabot sa P7 sa gasolina at P2.50 naman sa krudo.
Aniya, inaprubahan ng kongreso ang batas base sa paggarantiya ng Department of Finance na ang magiging epekto nito sa inflation rate ay wala pang isang porsiyento.
Pero noong nakaraang buwan ang inflation rate ay umakyat na sa 4.3 porsiyento.
Facebook Comments