UMAPELA | VP Leni Robredo umapela kay Pangulong Duterte na tutukan ang pagpapababa ng inflation sa halip na mamulitika

Manila, Philippines – Umapela si Vice President Leni Robredo sa administrasyong Duterte na itigil na ang pamumulitika kasunod ng pagsipa ng inflation rate sa 6.4% nitong agosto.

Sabi ng Bise Presidente, sa halip na patahimikin ang mga kritiko nito, gamitin na lang itong pagkakataon para patunayan na kaya ng gobyernong pababain ang presyo ng mga bilihin.

Aniya, wala namang makikinabang sa patuloy na pamumulitika lalo’t ramdam na ng taumbayan ang inflation.


Ang kailangan aniya ng bansa ay gobyernong nagtatrabaho para sa interes ng lahat at hindi gobyernong nag-aaksaya ng kapangyarihan at kaban ng bayan para manindak ng kalaban.

Nanawagan din si Robredo na itigil ng gobyerno ang pangmamaliit sa epekto ng inflation na sinasabi pa umanong tanda ng paglago ng ekonomiya.

Facebook Comments