UMARANGKADA | Balikatan Exercise 2018, sesentro sa pagresponde sa man-made calamities

Manila, Philippines – Umarangkada na ngayong araw ang ika-34 na Balikatan exercises sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos.

Ayon kay Lt. Liezl Vidallon, Balikatan Public Affairs Director, mas mataas ngayon ang antas ng pagsasanay ng mga sundalo na lalahok sa Balikatan.

Sesentro kasi ito ngayon sa mga man-made calamities katulad na lamang ng chemical attack.


Maliban dito, itutuon din ang exercise sa counter terrorism, humanitarian assistance at disaster response.

Kinumpirma rin ni Vidallon na makikibahagi rin ang Japan at Australia sa major events ng Balikatan.

Tatagal ang Balikatan exercise hanggang May 18 at gaganapin sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Tinataya namang nasa 5,000 sundalo mula sa Pilipinas at 3,000 mula sa Estados Unidos ang makikiisa sa Balikatan 2018.

Facebook Comments