UMARANGKADA NA | 279 na buying stations ng NFA, operational na

Fully operational na ngayon ang 279 buying stations ng National Food Authority (NFA) sa buong bansa para sa mas pinalakas na rice procurement program.

Ayon kay NFA OIC Administrator Tomas Escarez, maganda ang ipinapakita ng maraming farmers na nagbebenta ng kanilang aning palay sa NFA matapos itaas sa P20.70 kada kilo ang buying price mula sa P17 pesos.

Handa rin ang ahensya na palawigin pa ang regular working hours ng employees nito upang tanggapin ang palay deliveries mula sa mga farmers.


Kung hindi naman magawa ng mga farmers na ma-deliver ang kanilang harvest sa mga buying stations, magde-deploy aniya sila ng mobile procurement teams para kunin ang kanilang produkto.

Puntirya ng National Food Authority (NFA) na makabili ng 2.6 million bags ng bigas na mabibili sa local farmers ngayong 2018.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments