Manila, Philippines – Inilunsad na rin sa Marcos highway bahagi ng Masinag, Antipolo City ang premium P2P o point to point bus service.
Dinaluhan ang launching ng mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at lokal na pamahalaan ng Antipolo City.
Apat na unit ng P2P bus ang babiyahe simula ngayong umaga.
Magsisimula ito sa isang mall dito sa Masinag at patungo sa Makati City.
Apat na biyahe ang P2P bawat araw at 60 pesos ang pamasahe.
Ayon kay Asssistant Secretary Mark De Leon ng Department of Transportation (DOTr), makakatulong ang bagong ruta na ito ng P2P na kahit papaano ay maibsan ang pagsisikip sa daloy ng trapiko sa Marcos highway, inaasahan kasi na magP2P na lamang ang mga may pribadong sasakyan at nagtatrabaho sa Makati City.
Nasa labing pito na ang ruta ng P2P buses sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila, madadagdagan pa ito dahil may 20 pang aplikasyon ang pinoproseso ang DOTr.