Aklan – Sinimulan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang demolisyon ng mga istrakturang nakatayo sa wetlands ng Boracay.
Ayon kay DENR Undersecretary for Policy, Planning and International Affairs Jonas Leones, nag-umpisa na ang kanilang team sa pagbubuwag at pagtatanggal sa mga istraktura.
Mas marami pa aniyang istraktura ang sisirain kapag nakahanap na ang gobyero ng relocation sites para sa mga apektadong residente at manggagawa.
Una nang nag-isyu ng DENR ng notices sa ilang establisyimento na nakatayo sa wetland area.
Facebook Comments