UMARANGKADA NA | Gradual deployment ng mga bagong tren sa MRT-3, sinimulan na

Sinimulan na ng Department of Transportation (DOTr) ang gradual deployment ng mga bagong tren sa Metro Rail Transit (MRT) Line 3.

Ito ay matapos ang malawak at patung-patong na audit, assessment, adjustment at validation ng 48 Dalian trains.

Ang independent safety audit and assessment ay isinagawa ng TUV Rheinland kung saan kabilang sa mga problemang kailangang ayusin ay ang bigat ng mga bagon, signaling at compatibility ng mga maintenance equipment.


Nakiusap si DOTr Secretary Arthur Tugade sa CRRC Dalian na ayusin ang mga ito na walang gagastusin ang gobyerno.

Ang Japanese company na Toshiba infrastructure systems ang nangasiwa at nag-assess sa proseso para masigurong natutugunan nila ang open observations ng TUV Rheinland.

Nakilahok din sa evaluation at validation ang MRT-3 advisory panel na binubuo ng mga railway specialist galing Asian Development Bank (ADB), Australia, lokal na eksperto mula Philippine National Railways (PNR).

Ayon kay DOTr Undersecretary Timothy John Batan – mula sa 48 bagon o Light Rail Vehicles (LRVs), tatlo rito o katumbas ng isang trains set ang sinimulan nang ibiyahe.

Tiniyak ng DOTr sa riding public na doble-kayod ang gobyerno na mapabilis ang pagsasaayos at makumpleto ang ilang mahahalagang infrastructure projects.

Facebook Comments