UMARANGKADA NA | Libel case na isinampa ni Sen. Trillanes laban sa blogger na si RJ Nieto, umusad na

Manila, Philippines – Umusad na ang kasong libelo na isinampa ni Senador Antonio Trillanes laban sa blogger na si RJ Nieto o mas kilalang Thinking Pinoy.

Ayon sa tanggapan ni Trillanes, inilabas na ng Pasay City Prosecutor’s Office ang resolusyon na nagrerekomenda sa pagsasampa ng kasong libel sa ilalim ng Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 laban kay Nieto dahil sa kanyang “False and Baseless Defamatory Imputation Against Complainant.

Batay sa resolusyon, malisyoso ang nasabing istorya ni Nieto laban sa senador.


Nakasaad din sa resolusyon na bagaman at hindi dapat maging balat sibuyas ang mga opisyal ng gobyerno, hindi naman ito dapat maging excuse para maglathala ng walang basehang istorya ang sinuman.

Matatandaang inilathala noong 2017 ni Nieto sa kanyang Thinking Pinoy facebook page na tinawag umano ni US President Donald Trump na drug lord si Trillanes.

Facebook Comments